Ang Kwento sa Likod ng Punong Acacia
Ako may isang kaibigan. Kaibigang maiituturing kong pamilya. Siya ang naging karamay ko kapag ako ay may pagsubok na dinaraanan. Kasama ko siya sa mga masayang araw sa aking buhay.
Kami ay may tambayan. At ito ay isang Puno ng Acacia. Ang punong ito ay ang naging saksi ng aming pagkakaibigan. Ito ay nasa likuran ng simbahan sa aming bayan. Pag-uwi namin galing paaralan ay didiretso kami doon upang magkwentuhan ng mga bagay-bagay na nangyari sa aming pangaraw-araw na buhay. Habang kami ay lumalaki, lalong tumitibay ang aming pagkakaibigan kasabay ng pagtanda ng punong Acacia. Noong kami ay nakatapos na ng highschool ay iniwan na namin ang aming bayan at pumunta sa ibang bayan para mag-aral ng kolehiyo. Kami ay nagkahiwalay ng landas ngunit patuloy pa rin kami sa pagkokomunikasyon.
Noong kami ay nakapagtapos na ng pagaaral at nakapag-asawa na. ay napagkasunduan naming balikan ang punong naging parte na ng aming buhay.
Ngunit pagdating namin doon ay wala na ang puno at ang tanging ugat na lamang ang natitira dito. Nalungkot kaming dalawa ngunit may isang matandang babae ang lumapit sa amin at sinabing" Hinahanap niyo ba ang puno ng Acacia?"tanong niya. "Opo." sagot ko sa matanda. " Ito ay patay na at binenta ng simbahan sa isang companya upang gawing lapis." sagot niya sa amin. Nasiyahan kami sa balita dahil nalaman naming hindi ito sinunog o tinapon kundi ginawa itong bagay na mapapakinabangan ng mga tao. Napagdesisyunan naming bumili nito.
At ngayon ang lapis na nagsisimbolo ng aming pagkakaibigan ang ginagamit ko ngayon para isulat ang dagling ito. Hindi man namin kapiling ngayon ang puno ng Acacia ngunit alam namin nandito pa rin ito at nagsisilbing tulay naming dalawa upang makasulat ng sulat sa isa't isa upang patuloy na titibay ang pagkakaibigang minsang nagsimula sa puno ng Acacia.
No comments:
Post a Comment